Enrique-Liza_ADOR-copy

ANO kaya ang masasabi ng manager ni Liza Soberano na si Ogie Diaz sa pahayag ni Enrique Gil sa Aquino & Abunda Tonight last Thursday night na may “understanding” na sila?

Kamakailan, iniulat ng Balita na stipulated sa 10-year managerial contract nina Ogie at Lisa na hindi puwedeng magkaroon ng boyfriend ang dalagita hanggang sa matapos ang kontrata nila. Ito ang pinagkasunduan nila para wala munang makaistorbo sa career ni Liza. Matatapos ang kontrata nila kapag 23 years old na ang maituturing na pinakasikat na teenstar sa ngayon.

Seventeen years old lang ngayon si Liza.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Si Enrique Gil ang leading man ni Liza sa Forevermore na No. teleserye sa ngayon.

Pero may kalabuan ang deklarasyon ni Enrique dahil kahit meron na silang “understanding” ay hindi pa naman daw siya nanliligaw.

“Hindi pa ligaw kasi.... Well, ang  hirap kasing i-explain, eh. Pero, may understanding kami,” at bumaling kay Liza sabay sabing, “Okay, gusto kita. Siya naman she understands how I feel.” 

Iginagalang daw niya ang pagiging menor-de-edad pa ng katambal.

“May usapan naman kami na... alam niya na hindi pa puwede kasi 17 lang siya. Siguro, ‘pag 18 na siya,” sabay ngiti. 

Unang nagkasama sa pelikulang Must Be Love ang dalawa noong 2013 at muling nagkatrabaho nitong nakaraang taon sa She’s The One with Bea Alonzo.

Sila ang pinagtambal sa Forevermore na nag-click nang husto sa televiewers.

Ani Enrique, sa loob ng limang buwan nilang pagti-taping sa Forevermore ay nag-grow at nabuo ang kanilang friendship.

“Masasabi kong sa lahat ng babae sa showbiz, siya ‘yung pinaka-close sa akin ngayon. Siya ‘yung pinakakomportable ako. Basically, we’re best friends,” mariin niyang sabi.

Pumasok na sa serye ang karakter ni Diego Loyzaga bilang “other love interest” ni Liza. Kaya tinanong si Enrique kung nakakaramdam ba siya ng selos.

“Parang hindi naman. Parang wala naman,” halatang may pagdedenay niyang sagot. At may pahabol pang, “Alam ko naman na may understanding na kami,” tiwalang sabi ng aktor.

Ang mga bagets talaga ngayon! 

Well, wait na lang tayo kung ano ang magiging reaksiyon ni Ogie Diaz at kung ano ang mangyayari kung nilalabag nga ni Liza ang managerial contract nila.