MULING gagawa ng makasaysayang pagtitipon sa Philippine TV ang ASAP 20 sa kanilang 20th anniversary celebration na gaganapin sa Mall of Asia Arena ngayong tanghali.

Samahan ang buong ASAP cast at naglalakihang Kapamilya stars sa hindi malilimutang sopresa at performances.

Mapapanood sa ASAP center stage ang The Hunks, Coverboys, at The Kantoboys kasunod ang teen segments ng Pare Konnection, Kidlots, Kidlettes at Gimme 5; at ng all-star girl power na It Girls at ASAP IG. Hindi rin magpapaawat ang breath-taking dance reunions ng Sayawnara, Clashdance, Anime, Giggerboys, UD4, Supahdance, at world class musical reunions ng The Champions, Sessionistas at ang masayang barkada ng ASAP Karaokey.

Tiyak namang kikiligin ang lahat sa romantic Kapamilya team power ng KathNiel, Lizquen, JaDine at KimXi.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

May pasiklaban ang ultimate musical collaboration nina Piolo Pascual, Toni Gonzaga, Bamboo and Sarah Geronimo; na susundan ng jaw dropping performances of ASAP hosts na sina Martin Nievera, Pops Fernandez, Ariel Rivera, Zsa Zsa Padilla, Richard Poon, Kuh Ledesma, Vina Morales at Gary Valenciano sa kanilang pinakahihintay na reunion. World-class Filipino talent naman ang ipapamalas nina Arnel Pineda, Charice, Jed Madela, Erik Santos, Angeline Quinto kasama ang surprise OPM guests sa kanilang once in a lifetime collaboration. Maki- jamming naman sa masayang kantahan ng ASAP Sessionistas.

Kakaibang tawanan at saya ang hatid ng inaabangang get-together ng ASAP’s ultimate boy group na ‘Kanto Boys’ kasama sina Billy Crawford, Luis Manzano, Vhong Navarro, at John Lloyd Cruz.

Hindi rin magpapatalbog ang ASAP It Girls na sina Liza Soberano, Janella Salvador, Julia Baretto, Kathryn Bernardo, Bea Alonzo, Anne Curtis, Nikki Gil, Jolina Magdangal, Roselle Nava, Nikki Valdez, at Lindsay Custodio sa kanilang nakakaaliw na performance at timeless charm.

Abangan ang hottest dance showdown nina Sunshine Cruz, Ina Raymundo, Regine Tolentino and Vina Morales; na susundan pa ng ASAP Grand Karaokey Challenge kasama sina Luis Manzano, Alex Gonzaga at ang inaabangang pakikisaya ni Governor Vilma Santos-Recto. 

Makisaya ang ASAP 20 ngayong Linggo, 12:15 nn, sa ABS-CBN.