Sinintensiyahan ng Sandi-ganbayan ng tatlong taong pagkakakulong ang isang huwes ng Bulacan Municipal Trial Court (MTC) dahil sa pangongotong sa isang personalidad na nahaharap sa kasong kriminal noong 2003.

Sa isang kalatas, sinabi ng Office of the Ombudsman (OMB) na napatunayan ng anti-graft court na guilty ng indirect bribery si Judge Henry Domingo ng San Ildefonso, Bulacan MTC.

Ang kaso ni Domingo ay nag-ugat sa reklamo na inihain ni Ildefonso Cuevas na nagsabing inalok siya ng “tulong” ng huwes matapos ang pagdinig sa kanyang kaso sa loob mismo ng court room noong Pebrero 7, 2003.

“Paano ba kita matutulungan n’yan?” itinanong ni Domingo kay Cuevas. Matapos ang isang linggo, nagkasundo ang dalawa na magkita sa isang restaurant sa Baliwag, Bulacan nang pumayag ang huwes na ibasura ang kaso sa halagang P20,000.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Subalit noong oras na ng bayarang, hindi nabatid ni Domingo na may kasama na si Cuevas na mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) na nagsagawa ng entrapment operation laban sa huwes.

Hindi tinanggap ng Sandiganbayan ang depensa ni Domingo na siya ay biktima ng “frame up” ng mga NBI agent.