Sam and Jasmine

MAY kumalat na isyung hiwalay na sina Jasmine Curtis Smith at Sam Concepcion kaya kinumusta namin sa taga-Move It Clash of Streetdancers ang kanilang host noong Sabado, Pebrero 14, dahil may technical rehearsal ang dancers na kasama sa competition sa studio ng TV5.

Kuwento sa amin, masaya naman daw ang TV host/actress nu’ng mismong Araw ng mga Puso at maagang umalis dahil may lakad daw.

Oo nga naman, may date tiyak dahil Valentine’s Day iyon. Pero base sa mga nai-post na litrato ni Jasmine sa kanyang Instagram account ay hindi niya kasama ang boyfriend niyang si Sam Concepcion kundi kaibigang babae niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantalang si Sam ay nakita naman na kasama ang mga kaibigan sa isang mamahaling hotel.

Hindi nakitang magkasama sina Sam at Jasmine kaya iniisip ng followers nila na hiwalay na sila lalo na’t hindi nga boto ang Ate Anne Curtis ng dalaga.

Para makasiguro, nagtanong kami sa taong malapit kina Jasmine at Sam.

“Ha?  Sila pa rin, alam ko magkasama sila, baka hindi lang pinost ang pictures nilang dalawa. May mga kasama silang kaibigan din,” sagot sa amin.

Bakit nga raw kasi wala silang litratong magkasama, e, Valentine’s Day ‘yun?

“Kailangan ba dapat i-post?  Malay mo naman, naka-private sila, ha-ha-ha.”

Okay fine!  Pero mas gusto naming marinig mula kina Sam at Jasmine ang totoong estado ng relasyon nila.