Tiniyak ni Hall of Fame trainer Ignacio “Nacho” Beristain na magwawagi si eight-division world champion Manny Pacquiao kapag natuloy ang laban nito kay pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. sa Mayo 2 sa Las Vegas, Nevada sa United States.
Sa panayam ng Ring Observer, tiniyak ng trainer na mahihirapan si Mayweather sa estilo ni Pacquiao na laging umaatake.
“Pacquiao will definitely win. Pacquiao is just too tough and too strong. Pressure and a lot of punches just beats Floyd up,” diin ni Beristain na sinanay ang mga naging kampeong pandaigdig ng Mexico na tulad ng magkapatid na Juan Manuel at Rafael Marquez, Hall of Famers Daniel Zaragoza, Gonzalez at Ricardo Lopez.
Nanghihinayang si Beristain sa perpektong rekord ni Mayweather na tiyak na mababahiran kapag natuloy ang laban nito sa Pinoy boxer.
“It’s a very good, important fight but that fight should not happen,” ani Beristain. “Because I believe Pacquiao will beat Mayweather. You’re gonna take away the glory that has made Mayweather these past years. Mayweather’s style – when he fights someone that pressures him and throws a lot of punches –he just beats (Floyd) up. It won’t be an easy fight but Pacquiao will win the fight. Pacquiao will definitely win.”
Nasaksihan ni Beristain kung paano lumaban si Pacquiao sa ibabaw ng lona ng parisukat dahil apat na beses nakalaban ng Pilipino ang alaga niyang si Marquez na nanalo lamang sa 6th round knockout noong Disyembre 8, 2012 sa Las Vegas Nevada.
Siya rin ang trainer ng Amerikanong si six-division world champion Oscar de la Hoya nang mapatigil ito ni Pacquiao sa loob ng walong rounds noong 2008 at tuluyang magretiro sa boksing.
“I know very well Pacquiao,” ani Beristain. “I’ve seen him fight many times. He’s very good. And everybody picks Mayweather to win the fight because he wins so much against easy fighters, but Pacquiao is just too tough, too strong.”
Para kay Beristain, hindi ordinaryong boksingero si Pacquiao dahil masyadong seryoso ang Pinoy boxer sa pagsasanay.
”He just works too hard. His training is too hard. He works very hard,” dagdag ng trainer. “I think he’s an extraordinary fighter. Out of the normal. And I believe that he’s not skilled like some of the greatest in boxing history, like Robinson, Sugar Ray Leonard, Bernard Hopkins and Muhammad Ali. But actually right now he’s like a big, big star in America, with the glory.”