Magbubukas ng isang humor ward sa lahat ng ospital sa bansa upang makatulong sa mga pasyente na mag-relax at makalimutan ang iniindang sakit.

Sinabi ni Masbate 3rd District Rep. Scott Davies Lanete, isa ring doktor, na ang nasabing mungkahi niya ay nasa House Bill 5414 sa layuning mapabuti ang health care industry.

Ayon sa kanya, maraming artikulo at ulat ang nagkukumpirma at sumusuporta sa matandang kasabihan na “laughter is the best medicine”.

“Studies show that humor therapy helps patients relax primarily aiding them in dealing and accepting pain. Although it is unproven that laughter has a direct causation with health improvements, it cannot be denied that it reduces stress and enhances a person’s quality of life,” ayon kay Lanete.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This is particularly applicable to cancer patients who need every bit of optimism as they face seemingly never-ending sessions of chemotherapy, which, needless to say, involves a huge degree of pain,” dagdag pa ni Lanete.