LAS VEGAS (AP) – Hindi na inaasahang mabubuhay pa ang isang ginang na binaril sa ulo ng isang galit na driver habang tinuturuan ng una na magmaneho ang 14-anyos niyang anak sa Las Vegas, ayon sa asawa ng biktima.

‘This was a loving mother of four kids teaching our daughter how to drive,” pahayag ni Robert Meyers sa The Associated Press bago sagutin ang mga mamamahayag sa labas ng kanilang tahanan, na roon binaril ang asawa niyang si Tammy Meyers dakong 11:30 ng gabi noong Pebrero 12, sa isang insidente ng road rage.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3