CAPAS, Tarlac - Sinawing-palad na mamatay ang isang pasahero ng tricycle matapos bumangga ang huli sa kasalubong na van na ikinasugat din ng driver ng tricycle sa Manila North Road sa Barangay Cut-Cut 1st, Capas, Tarlac, noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni PO3 Arlan Herrera ang nasawing si Ken Tapang, 14, ng Sitio Malutong Gabun, Barangay Cut-Cut 1st, Capas, habang ginagamot pa sa ospital si Arjay Pineda, 17, driver ng tricycle (PK-9212), kapitbahay ni Tapang.

Minamaneho naman ni Nelson Lachica, 41, may asawa, ng General Tirona Street, Bagong Barrio, Caloocan City, ang van (WVQ-163) na nakabanggaan ng tricycle.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20