Isang nurse ang namatay habang nasa malubhang kalagayan ang mister nito marakaraang sabay silang uminom ng lason sa tangkang pagpapakamatay ng dalawa sa Araw ng mga Puso sa Misamis Oriental kahapon.

Kinilala ng Tagoloan Police Station ang namatay na biktima na si Sharisa Buhian habang nasa malubhang kalagayan ang mister nito na si Jeffrey Ito, matapos na sabay uminom ng lason ang dalawa.

Sinabi ni Senior Insp. Mari Cris Mulat, hepe ng Tagoloan Police Station, nag-suicide umano ang mga biktima dahil tutol ang pamilya ng babae sa pakikipagrelasyon nito sa lalaki.

Ayon sa pulisya, nagiwan ang dalawa ng isang suicide letter sulat kung saan nakasaad ang kanilang hinanakit sa magulang ni Sharisa dahil kontra sa kanilang pag-iibigan.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid pa sa imbestigasyon na uminom muna ng alak ang mag-asawa bago sabay nalumaklak ng lason.

Tanging si Sharisa ang agad na nalagutan ng hininga matapos isugod sa pagamutan ang binabantayan ngayon ng mga manggagamot si Ito ng Northern Mindanao Medical Center.