LA TRINIDAD, Benguet–Muling nasakote ng Anti-narcotics agents ng Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera ang lider ng Bela Drug Group sa isang buy-bust operation noong Martes sa Palma Ville Subdivision, Barangay Puguis ng bayang ito.

Kinilala ang nadakip na si Revila Domingo Waclin, 29, alyas Bela, tubong Buguias, Benguet at nakatira sa Barangay Buyagan, La Trinidad sa Benguet. Nakuha sa kanya ang limang heat-sealed, mga sachet na naglalaman ng 15 gramong shabu (methamphetamine hydrochloride) na may halagang P53,275.25.

Ayon sa PDEA, unang nahuli si Daclin noong Agosto 21, 2014 sa kasong paglabag sa Republic Act 9165. Nakalaya ito sa pamamagitan ng piyansa noong Enero 20 at nagpatuloy sa pagbebenta ng droga.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20