Isang 24-anyos na data analyst ang nakaligtas mula sa kamay ng isang taxi driver matapos tumalon sa saksayan nang magdeklara ng holdap ang huli sa Pasig City kamakalawa ng madaling araw.
Sinabi ng biktima na nakilalang si Rocky Mhar Dalangin, residente ng Lot 15, Block 233 Pioneer St., Makati City na sakay sa ng isang taxi na may plakang UVU-793 nang magdeklara ang driver nito ng holdap sa C-5 Road, Barangay Ugong, Pasig dakong 4:30 noong Miyerkules ng madaling araw.
Habang nakatutok ang isang patalim, unang hiningi ng ‘di kilalang taxi driver ang bag ni Dalangin subalit tumanggi ito. Sa halip, ibinigay ng biktima ang kanyang cell phone sa suspek.
Habang ipinipilit ng driver na makuha ang bag ng biktima kasabay ng pagbagal ng takbo ng sasakyan, ginamit na itong oportunidad ni Dalangin upang makatakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa taxi.
Diretsong humingi ng tulong si Dalangin sa isang himpilan ng pulis.