SAN MATEO, Isabela – Hindi pa rin matukoy ng pulisya kung sino ang responsable sa pagkamatay ng isang 81-anyos na babae at malubhang pagkakasugat ng 84-anyos na asawa nito matapos silang looban sa kanilang bahay sa Barangay 4, San Mateo, Isabela noong Sabado ng gabi.

Ayon kay San Mateo Police Chief Senior Insp. Romeo Tilios, pinagpapalo ng matigas na bagay sa mukha at sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mag-asawang negosyante na sina Marcelina Pena, 81; at Leonardo Pena, 84, at agad na nasawi ang ginang.

Sinabi ng pulisya na si Lolo Leonardo na lang ang pag-asa ng pulisya upang matukoy ang mga suspek dahil wala umanong forcible entry sa bahay kaya naman naniniwala ang pulisya na posibleng kilala ng mga biktima ang mga salarin.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ang 10 trabahador na nagsasagawa ng renovation sa bahay ng mga biktima.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20