Nikki Gil

INIULAT sa Bandila noong Biyernes ang pag-amin ni Nikki Gil na engaged na siya sa kanyang boyfriend na si BJ Albert, isang businessman.

“I am confirming it. I got engaged last year,” bungad ni Nikki.

Ang proposal ay naganap noong December 13, 2014 o 12-13-14, na inakala ni Nikki noong una na corporate event ang ipinag-imbita sa kanya ng mga kamag-anak ni BJ. Pagkatapos ng proposal, isa-isang naglapitan ang kanilang close friends at binati silang dalawa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Nang nag-sink in na sa akin, naglabasan na ang mga friends ko.”

Ipinaliwanag ni Nikki na ayaw nilang malaman ng publiko ang tungkol sa kanilang engagement dahil private citizen si BJ.

“He handles most of his family’s businesses,” sabi ng dalaga.

Tumakbo ng isang taon ang kanilang relasyon bago naganap ang engagement. 

Bakit nga ba agad-agad?

“Wala ‘yan sa number of years,” katwiran niya.

Si BJ ay pamangkin ng singer na si Joey Albert. Marami pagkakapareho, unang-una na ang kanilang friends, church friends, at pareho silang nag-aral sa Ateneo de Manila University. 

Tanong sa dalaga, bilang singer, ano ang song na gusto niyang kantahin? 

“You gave me a reason for my being. And I love what I’m feeling,” mula sa When I Met You ng APO Hiking Society ang inawit niya.