NASUGBU, Batangas - Dalawang itinuturing na most wanted ang naaresto ng mga awtoridad sa Nasugbu, Batangas.

Ayon sa report mula kay Chief Insp. Pablo Aguda Jr., hepe ng pulisya, pangatlo sa most wanted sa Nasugbu si Raul Mendoza, 31, habang pang-apat naman si Mandy Balboa, 33 anyos.

Naaresto ang mga suspek sa mga operasyong isinagawa ng Nasugbu at Region 4A Police sa Barangay Bunducan.

May warrant of arrest ang mga suspek mula sa sala ni Judge Mercedes Dagdag-Lindog, ng RTC Branch 14, Nasugbu, dahil sa pambubugbog at pagpatay kay Mark Anthony Morada noong Abril 2013.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists