Paris (AFP)– Sinementuhan ni Serena Williams ang kanyang posisyon sa ituktok ng WTA world rankings makaraang manalo sa Australian Open noong Sabado.

Tinalo ng 33-anyos na American si Maria Sharapova sa straight sets para sa kanyang ikaanim na Grand Slam title sa Melbourne at ika-19 sa pangkalahatan.

Si Williams ay may tangan na 1,500 puntos sa unahan ng Russian na angat naman kay Simona Halep ng Romania na nasa ikatlong puwesto.

Isa sa may pinakamalaking paggalaw ngayong linggo ay ang nakatatandang kapatid ni Serena na si Venus. Nakaabot ang dating world number one sa last eight sa Melbourne para sa kanyang unang Grand Slam quarterfinal mula noong 2010.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil dito, umangat siya ng pitong puwesto sa rankings sa ika-11 puwesto.

Ang sorpresang semifinalist sa Melbourne na si Madison Keys ay umakyat sa 15 puwesto sa Top 20 sa unang pagkakataon sa kanyang career.