Nasa pangangalaga ngayon ng Barangay Bangkal Lying-in Center sa Makati City ang isang bagong silang na sanggol na iniwanan ng kanyang walang pusong-ina sa Metro Rail Transit (MRT) Magallanes station sa lungsod kamakalawa.

Sa pahayag sa pulisya ng dalawang guwardiya ng MRT na sina Mark Anthony Montes at Lucio Pa-ano Jr., nakita nila ang babaeng sanggol na nakabalot sa lampin sa hagdanan ng southbound lane, EDSA Avenue ng naturang lungsod dakong 2:30 ng hapon.

Sa taya ng mga awtoridad, nasa dalawang linggo pa lamang ang edad ng sanggol.

Aminado ang pamunuan ng MRT na bigo itong matukoy ang responsable sa pag-iwan ng sanggol sa lugar dahil walang nakalagay na closed circuit television (CCTV) camera roon.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Gayunman, tiniyak ng Lying-in Center na nasa mabuting kalagayan ang sanggol.