Enero 31, 1943 nang maging matagumpay ang Soviet soldiers na tapusin ang gulo ng Germany sa Stalingrad (ngayon ay Volgograd) sa Russia, dinakip si German Sixth Army Field Marshal Paulus at ikinulong ang halos 90,000 sundalong Wehrmacht na mahigit 90 porsiyento ang namatay sa pagkakabihag.

Mula Hunyo 28, 1942 ay umabante ang mga German sa katimugang bahagi ng Russia at pinalawak si Adolf Hitler ang mga layunin ng kanilang kampanya, inatasan ang puwersang German na sirain ang mga pabrika ng armas. Tumindi ang bakbakan ng Soviet soldiers sa Caucasus, kaya naman minadali ng puwersang German ang pagkubkob sa Stalingrad, naglunsad ng mga pambobomba sa lungsod noong Agosto 23, 1942. Gayunman, nabigo si Hitler na ikonsidera na ang pagtitiwala sa desisyon ng kanyang mga heneral ay mauuwi sa tagumpay ng kanilang kampanya sa France noong 1940.

Sinimulan ng Soviet soldiers ang Operation Uranus nito noong Nobyembre 1942, sinukol ang tropa ng German Sixth Army, na kinain ang sarili nilang mga kabayo pagkatapos ng Pasko para lamang mabuhay.

Matapos matalo, hinarap ng mga German ang sunud-sunod na pagkatalo noong World War II.
National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists