Paul-Toni-419x500

MAY source kami na nagtsika sa amin na nag-propose na si Direk Paul Soriano kay Toni Gonzaga last Tuesday night sa Resorts World at pawang miyembro ng pamilya at ilang malapit na kaibigan lang ang present.

Ayon pa sa tsika sa amin, sinadya raw talaga ni Direk Paul na maging pribado ang pagpo-propose para hindi maging karnabal at ayaw ding maging laman ng mga pahayagan.

Iyak daw nang iyak si Toni kasama na ang pamilya niya dahil kitang-kita at ramdam na ramdam kung gaano kaseryoso si Direk Paul at maging ang pamilya ng binata ay mahal na mahal ang TV host/actress.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ito marahil ang dahilan kaya wala si Toni sa The Buzz noong Linggo dahil ayaw niyang sagutin ang isyung ibinuking sila ni Ms. Sandy Andolong.

Sinubukan naming tawagan ang butihing ina ni Toni kahapon na si Mommy Pinty, pero super busy ang linya niya.