CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Ipinag-utos ni Mayor Arnan C. Panaligan ang P2 bawas-pasahe sa tricycle sa siyudad, at simula sa Pebrero 1, 2015 ay P8 na lang ang kasalukuyang P10 minimum na pasahe.

Pinagtibay ni Panaligan ang rollback sa bisa ng ordinansa na ipinasa ng Sangguniang Panlungsod bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng gasolina at iba pang petrolyo.

Sinabi ni City Administrator Adel C. Abas na maglalabas ang Business Permit and Licensing Office ng bagong fare matrix na istriktong ipatutupad sa mga tricycle driver at operator.

Ang mga lalabag sa direktiba ng alkalde ay pagmumultahin ng P1,000 o kakanselahin ang prangkisa, ayon kay Abas.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20