NAKATANGGAP kami ng tawag mula sa kakilala naming taga-Cebu City na nagkuwentong may asawa na ang dating Pinoy Dream Academy scholar na si Jay-R Siaboc na tubong Toledo, Cebu.

JR-Siaboc

“Ate Reggee, si Jay-R Siaboc pala may asawa na, nakita namin siya dito sa Cebu,” sabi ng tumawag.

Hindi na kami nagtaka kung nag-asawa na nga ang dating singer dahil matagal na rin namang walang balita sa kanya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang ikinagulat namin ay, “Sa palengke siya nagtatrabaho, Ate Reggee, may puwesto at nakita namin may binubuhat na paninda.”

Bigla tuloy kaming naawa kay Jay-R dahil parang kailan lang ay nakilala siya sa showbiz at talagang natikman niya ang marangyang buhay paglabas niya ng Pinoy Dream Academy kasabay sina Ronnie Liang at Yeng Constantino na nananatiling kilala at aktibo sa entertainment industry.

Tinanong namin ang dating manager ni Jay-R na si Mario Colmenares na tubong Cebu rin tungkol sa balitang ito.

“Hindi po totoo (na nag-asawa), pero may GF (girlfriend) siya na taga-Cebu na matagal na sila,” sabi sa amin.

So, napagkamalang asawa na ni Jay-R ang girlfriend niya.

“Baka nga, kasi alam ko nagdo-dorm ‘yung GF sa Cebu ‘tapos palagi si Jay-R doon, pero umuuwi pa rin sa kanila paminsanminsan sa Toledo,” sabi ni Mario.

Binanggit namin na baka live-in na si Jay-R at ang non-showbiz girlfriend niya kaya asawa na ang pagkakaintindi ng mga nakakita.

Nabanggit ding estudyante pa lang ang girlfriend ni Jay-R kaya naka-dorm pa at tungkol naman sa impormasyon na palengke na nagtatrabaho ang dating recording artist ng Star Records, “Exaggerated ‘yan, dati nga balita nagda-drive ng tricycle, he-he-he,” sabi ng dating manager ng binata.

Well, kung sakaling totoong sa palengke nga nagtatrabaho si Jay-R ay walang masama basta’t marangal at kung totoong may puwesto, e, di mas maganda at least sariling negosyo.

Kung hindi kami nagkakamali ay 26 years old na si Jay-R at posibleng nag-asawa o magaasawa na.

“Matagal ko na siyang hindi nakikita, pero ang balita ko, rumaraket-raket sa mga shows,” sabi pa ni Mario.

Sayang si Jay-R, may talent pa naman, di ba, Bossing DMB.

(Hay, isa sa magagaling na singers na sinuportahan natin. Hindi natin nasubaybayan kung ano ang nangyari at napilitang umuwi sa probinsiya. --DMB)