TIYAK na may bagong tututukan tuwing Sabado ng gabi sa TV5 ngayong sasabak na sa telebisyon si Papa Jack – ang kilala at sikat na DJ sa radyo at ang love guru ng bayan – sa bago niyang love advice at talkvariety program na Call Me Papa Jack na magsisimula na bukas (Sabado, Enero 24), 10:00 PM, sa Kapatid Network.

Bukod sa dagdag pang kasiyahan, kulitan at kiligan na masusubaybayan ng viewers sa bagong programa ni Papa Jack, hindi rin dapat palampasin ang kanyang bagong quotable quotes, mas tagos-puso pang love advice at mga prangkang payo habang kausap via phone patch ang listeners/viewers na may kakaibang love stories na siguradong ikawiwindang ng buong bayan.

Tiyak namang mamamangha ang mga nag-aakala na kilalang-kilala na nila si Papa Jack dahil sa Call Me Papa Jack habang kausap niya in person ang mga kontrobersiyal at sikat na artista o personalidad sa showbiz na ngayon lang din magbabahagi ng kani-kanilang kuwento ng kabiguan sa pag-ibig.

Every week ay may aabangang panibagong celebrity guest na bukod sa pagkukuwento ng kanilang love stories ay tutulong din kay Papa Jack na magbigay ng payo sa guest callers ng programa. Ang ilan sa magiging special guest ni Papa Jack ay sina Manila Vice Mayor Isko Moreno, actress-musician-host Julia Clarete, Mac & Chiz star Bianca King, at ang teen heartthrob at kasalukuyang talk-of-the-town na si Brett Jackson, ang young actress na si Ynna Asistio, at marami pang iba.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Magkakaroon din ng iba pang exciting na segments ang programa na tiyak na magiging patok sa mga manonood. Isa na rito ang Online Ligawan, na mapapanood ang video confessional tampok ang mga tao na buong tapang na ihahayag sa telebisyon ang kanilang damdamin sa kanilang iniibig. Magkakaroon din ng Jamming with Papa Jack, kaya magpapakitang-gilas siya pagdating sa kantahan kasama ang kanyang celebrity guests. At siyempre, hindi rin mawawala ang kanyang sikat at inaabangang Papa Jack Quotes tungkol sa pag-ibig.

Sa kabuuhan, hindi bale na kung ikaw ay single, taken, o ‘it’s complicated’ ang relasyon, dahil pagdating sa lovelife at relationship, tuwing Sabado ng gabi simula bukas ay si Papa Jack na ang gugustuhin mong makasama.