Kritikal ang isang guest relation officer (GRO) matapos saksakin ng dalawang kasamahan sa trabaho sa loob mismo ng pinapasukan nilang KTV bar sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.

Nakaratay ngayon sa Manila Central University (MCU) Hospital si Julie Ann Santiago, 24, naninirahan sa Barangay Potrero, Malabon City, sanhi mga saksak sa katawan.

Kasong attempted murder ang isinampang asunto sa mga nagsitakas na suspek na sina Joyce Madrigal, ng Baesa, Caloocan City at Genesis Sanchez, stay-in worker ng Rolex KTV Bar na matatagpuan sa Mac Arthur Highway, ng nasabing lungsod.

Ayon sa report, bandang 4:00 ng madaling araw, may ka-table si Santiago nang bigla na lamang sinugod nina Madrigal at Sanchez at pinagsasabunutan hanggang sa saksakin.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nabatid na naiinggit sina Madrigal at Sanchez kay Santiago dahil ‘di hamak na mas maganda ito sa kanila.