WASHINGTON — Sinabi ng Secret Service na isang dumaraang sasakyan ang namaril malapit sa bahay sa Delaware ni Vice President Joe Biden noong Sabado ng gabi. Wala sa bahay ang vice president at ang kanyang asawa nang maganap ang insidente.

Sinabi ng Secret Service na nangyari ang pamamaril dakong 8:25 ng gabi sa isang public road sa labas ng secure perimeter malapit sa bahay ni Greenville, Delaware. Narinig ng Secret Service personnel ang mga putok. Ayon sa kanila mabilis na humarurot ang sasakyan matapos ang insidente. Patuloy itong iniimbestigahan.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget