MASUWERTE ang dating PBB housemate na si Loisa Andalio dahil kabilang siya sa cast ng seryeng Nasaan ka Nang Kailangan Kita na nag-umpisa nang mapanood kahapon after It’s Showtime.

Loisa-AndalioSa presscon ng hapon-serye sa ELJ last week, walang pagsidlan ng saya si Loisa na lubusan ang pasasalamat sa ABS-CBN sa pagkakataong ibinigay sa kanya.

Sa nasabing panayam, naitanong sa kanya ang paghahandang ginawa niya for the role as Bea Natividad, nakakabatang kapatid ni Jane Oineza sa soap.

“Siguro sa pag-iyak-iyak na part, ‘yun po ang nakaka-challenge kasi kasi hindi naman po ako magaling, hindi ko pa po kaya pero tina-try ko,” sey ni Loisa. “Nag-workshop naman po kami para dito.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Bilang kapatid ni Jane Oineza sa soap, magkakaroon sila ng love triangle with Joshua Garcia, na nakasama rin nila sa PBB. Parang true-to-life nga raw ang mga eksena dahil na-involve rin sa triangle ang tatlo noong nasa PBB house pa sila.

“Okay naman po, masaya naman po kasi nakasama ko na rin sila sa PBB,” sey ni Loisa kung nakailangan ba sila sa muli nilang pag-aagawan kay Joshua.

Unti-unti nang natututong umarte si Loisa at unti-unti na rin niyang natututuhang mahalin ang trabaho.

“Natutunan ko ring i-love ‘yung ginagawa ko sa akting kasi before parang sabi ko, gusto ko before na parang mag-perform lang. Pero simula nang mag-tape kami , sabi ko gusto ko nang ipagpatuloy ang acting, so ‘yun po ang natutunan ko talaga,” ani Loisa.

Sa lahat ng cast, kay Joshua lang daw siya komportable.

“Sobrang okay po kami ni Joshua, super-close kami ngayon. Siya talaga ‘yung close ko at best friend ko ngayon.”

Hindi naman kaya ligawan siya ni Joshua balang araw?

“Hindi ko alam. Masyado pang maaga. Depende po kung ano ang mangyayari,” nakangiting sagot ng bagong actress.