Isang barangay kagawad ang namatay matapos siyang pagbabarilin ng isang barangay tanod sa Barangay San Vicente, San Pablo, Isabela, noong Sabado ng gabi.

Inaalam pa ng San Pablo Police ang motibo ng pagpatay kay Ronald Bernaga, 55, kagawad ng Bgy. Dalena, San Pablo, Isabela.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na si Alberto Marcelino, tanod ng Bgy. San Vicente, San Pablo.

Gumamit ng M-16 armalite rifle si Marcelino sa pamamaril kay Bernaga, dakong 6:00 ng gabi nitong Sabado.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20