BAMBAN, Tarlac - Upang mapanatag ang kalooban ng isang drug user ay boluntaryo siyang nagtungo sa himpilan ng pulisya sa Bamban para magamot sa Central Luzon Rehabilitation Center sa Barangay Sto. Niño, Magalang, Pampanga.

Sa ulat ni Chief Insp. Eleno Ramos Mangrobang, hepe ng Bamban Police, sumuko sa kanya si Adrian Lugtu, 23, binata, ng Virgen Delos Remedios, Bamban, Tarlac.

Kasama ni Lugtu ang kanyang mga magulang at si Bgy. Virgen Delos Remedios Chairman Richard Rafanan nang sumuko siya sa center, sinabing labis siyang nagsisisi sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20