Nanawagan si Pope Francis sa mga Pinoy na yakapin ang mahihirap, mamuhay nang simple ngunit may kabutihan sa puso at iwasan ang materyalismo.

Ito ang mensahe ng Papa nang magbigay siya ng homiliya sa misang pinangunahan niya sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila kahapon ng tanghali, na eksklusibong dinaluhan ng 2,000 obispo at iba pang miyembro ng sektor ng relihiyon.

“For us priests and consecrated persons, conversion to the newness of the Gospel entails a daily encounter with the Lord in prayer. For religious, living the newness of the Gospel also means finding ever anew in community life and community apostolates the incentive for an ever closer union with the Lord in perfect charity. For all of us, it means living lives that reflect the poverty of Christ, whose entire life was focused on doing the will of the Father and serving others,” bahagi ng homiliya ng Papa.

Ibinahagi pa ni Pope Francis ang habilin ng Panginoon kay San Pedro, na unang Santo Papa, na ‘bantayan at gabayan ang Kanyang mga tupa.’

Akbayan, De Lima 'di apektado sa pagtutol ni PBBM: 'Kailangang manaig ang batas!'

“‘Do you love me? Tend my sheep.’ Jesus’ words to Peter in today’s Gospel are the first words I speak to you, dear brother bishops and priests, men and women religious, and young seminarians. These words remind us of something essential. All pastoral ministry is born of love,” aniya.

Subalit nang unang marinig ng mga pari ang “Do you love me?” agad silang sumagot ng “yes.” Sa puntong ito, nagbuntong hininga at napangiti ang Papa at agad niyang nilinaw na ang katanungan ay hindi mula sa kanya, kundi kay Hesukristo.

Umapela rin ang Santo Papa sa mga pari at mga relihiyoso na para maipakita nila ang pagmamahal sa mga mamamayan ay kailangang maging kabilang sila sa mahihirap na kanilang pinangangaralan at ginagabayan.

Hinikayat din niya ang lahat na iwasan ang materyalismo na maaaring maglagay, aniya, sa kanila sa kompromiso o alanganin.