ZSA Zsa Padilla

MINSAN nang napagkamalang may breast cancer si Zsa Zsa Padilla, a few months after pumanaw si Dolphy noong July 2012.

“Parang hindi ko matanggap na after ilang buwan na halos nasa Makati Medical Center kami ni Dolphy noon, sasabihan akong may nadi-detect silang sakit ko,” kuwento ni Zsa Zsa sa presscon ng M (My Mother’s Maiden Name) movie niya na isinali sa New Wave Division ng katatapos na 2014 Metro Manila Film Festival. “Wala naman akong magagawa kung meron nga. Pero umalis ako noon, pumunta ako ng Mt. Sinai Hospital sa States, naroon ang mga naging doctors din ni Dolphy at gusto kong doon na rin ako magpa-treat kung anuman ang sakit ko, hindi ko kayang sa Makati Medical Center ako. But thank God, siguro sa stress ko lamang dahil sa sunud-sunod na nangyari noon, medyo humina ang resistance ko, at wala naman akong cancer.”

Gumaganap kasing stage four pancreatic cancer patient si Zsa Zsa as Bella Monteclaro sa M. Puwede namang i-treat ang sakit niya pero hindi na siya gagaling. Kilalang mahigpit at matapang na lawyer si Bella, kaya habang tini-treat siya sa hospital, pinilit niyang maging close sa kanya ang anak na si Joven (Nico Alonso). Doon lang malalaman ni Joven kung bakit ganoon ang ugali ng ina, hindi para lamang ipaglaban ang sarili sa sakit kundi para maprotektahan din siya.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Questionable kasi ang character ni Joven.

Malungkot ang tema ng movie pero kapag magkasama ang mag-ina ay may moments na napapatawa ang mga manonood, hindi dahil intensiyong magpatawa kundi dahil nakatutuwa ang mga sitwasyon.

Ang movie ay based sa buhay ni Direk Zig Dulay na late na nang makilala ang pagkatao ng kanyang ina na pumanaw din sa cancer.

Nagpasalamat si Direk Zig sa mahusay na pagganap ni Zsa Zsa at sa respetong ibinigay sa kanya bilang director. Medyo may takot pala kasi siya noon dahil kilala at hinahangaan niya ito bilang isang artista at singer pero first time lang nilang magkakatrabaho. Pero si Zsa Zsa na ang nagpauna sa kanya na kung may mali siyang ginawa sa mga eksena, ready siyang mag-take two.

Para kay Zsa Zsa, si Direk Zig na ang pinakamabait na naging director niya, laging nakangiti at hindi sumisigaw.

“Kaya ang saya-saya ko nang malaman kong nanalo akong Best Actress,” kuwento pa ni Zsa Zsa. “Sorry na hindi ako naka-attend ng awards night dahil nasa Coron, Palawan ako noon, pero through text, nalaman kong nanalo ako. Ngayon ko lang nakuha ang trophy ko, pero nag-lit ang face ko nang makita ko ito. Hindi ito ang first time na nanalo akong best actress, pero iba ang feeling tuwing tumatanggap ako. Bonus lang ito, pero ibig sabihin, tama ang portrayal ko sa role at nakita iyon ng jurors. Salamat sa inyong lahat at hindi ako magsasawang tumanggap ng kahit anong role.”

Muling mapapanood sa mga sinehan simula sa January 21 ang M na tumanggap din ng Special Jury Prize sa MMFF awards at nagbigay din ng Best Supporting Actress award kay Gloria Sevilla.

Samantala, tinanong ng press si Zsa Zsa kung kailan sila magpapakasal ng boyfriend niyang si Arch. Conrad T. Onglao.

“Ewan ko kung papayagan ako ng parents ko na magpakasal na,” pabirong sagot ng singer/actress. “Hindi pa, wala pang plano, pero kasal o hindi, doesn’t matter. I’ve lived with Dolphy for 23 years without marriage, what is important kung mahal naman ninyo ang isa’t isa ng boyfriend mo.

“No, hindi naman ako takot magpakasal, I still believe in marriage, pero parang ayaw ko na rin after na hindi natuloy ang kasal namin noon ni Dolphy. Pero hindi naman ako nagsasalita nang patapos. I’m just happy with my life now. What I’m very eager, magkaroon na ng apo, pero mukhang wala pang balak sina Yael at Karylle na magka-baby. Ako, ready nang maging lola, pero sila ayaw pa nila. I think both of them ay marami pang gustong gawin sa buhay nila.”

Nilinaw na rin ni Zsa Zsa na hindi totoong ibinibenta niya ang bahay na iniwan sa kanila ni Dolphy para sa kanila ng mga anak na sina Zia at Nicole, na mayroon daw nagtangkang pumasok sa bahay nila.

Nagulat nga raw siya na may mga ganoong reports. Kung ibebenta raw nila iyon, baka after two years pa dahil doon naman sila nakatirang mag-iina. Uwuwi na raw muli sa kanya si Zia kaya magkakasama sila roon. Sa auction ng properties na naiwan ni Dolphy sa January 31, she will be there to render a song during the program.

Nagsimula na rin siyang mag-record ng bagong album na untitled pa at ire-release ng PolyEast Records. Pinaghahandaan na rin ni Zsa Zsa ang coming Valentine concert niya on February 14 titled Beginnings to be directed by Mr. M, sa Music Museum. Very special guests niya sina Ogie Alcasid at Piolo Pascual.