Janice De Belen

SINORPRESA ni Janice de Belen ang press people na dumalo sa presscon ng Oh My G! dahil sa kanyang new look, slim with short hairdo na bumagay sa kanya dahil mas bumata siyang tingnan sa kanyang edad na 46.

“Mukha lang siyang 36,” komento ng isang writer kay Janice.

Wala sa itsura na may limang malalaking anak na siya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Sa panayam sa aktres, inamin niya na tinablan na rin siya sa mga pangungutya ng kanyang bashers na kesyo mataba siya at para raw siyang si “Lilit” o “lilitsunin”. Pero itinuring niya bilang positibo ang mga punang iyon sa kanya.

Kuwento ni Janice, binawasan niya ang kanyang rice intakes at iniwasan o ibinasura ang nakasanayang junk foods o tsiserya.

At kapag may panahon, susubukan niyang mag-exercise para mas lalong maging fit at para magtuluy-tuloy na ang kanyang inumpisahang pagpapapayat.

Sa larawan ay makikita ang malaking pagkakaiba sa katawan ng aktres. Ang isa ay kuha noong March 2014 habang tumatanggap ng kanyang best supporting actress award sa 29th PMPC Star Awards for Movies at ang isa pa ay latest photo niya sa Oh My G! presscon last Tuesday.