KIEV (Reuters) – Isang pampasaherong bus ang pinagbabaril sa eastern Ukraine noong Martes, na ikinamatay ng 11 katao, sinabi ng Ukrainian authorities, habang tumitindi ang mga bakbakan sa international airport sa lungsod ng Donetsk sa pagsisikap ng mga separatist na mapatalsik ang puwersa ng gobyerno.

Sumiklab ang panibagong kaguluhan matapos ibasura ng Russia, Ukraine, France at Germany ang mga plano para sa isang summit sa Kazakhstan ngayong linggo dahil sa kabiguang ipatupad ang apat na buwang ceasefire agreement.

Mahigit 4,700 katao na ang namatay sa sigalot sa Ukraine simula noong Abril.

Ahas na mas makamandag daw sa cobra, namataan sa baha sa CamSur