Hindi nakapalag ang isang 44-anyos na lalaki nang isang estudyante matapos tangayin ang wallet ng huli habang sila ay sakay ng isang bus sa Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Leon Prodon, isang sekyu at residente ng Bacoor, Cavite.

Lumitaw sa imbestigasyon na sakay ng isang pampasaherong bus ang biktimang si Joan Rio Alderite, residente ng Katipunan Village, West Bicutan, Taguig nang dukutin umano ang kanyang wallet ni Prodon sa EDSA, Cubao dakong 6:40 ng umaga.

Isang testigo ang nakakitang dinukutan ni Prodon si Alderite kaya inimpormahan niya ang biktima hinggil sa kanyang tinangay na wallet.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa puntong ito, hinabol ni Alderite at sa tulong ng mga istambay ay naaresto si Prodon.

Agad na dinala si Prodon sa Police Station 7 sa Cubao kung saan nabawi rin ang wallet ni Alderite na naglalaman ng P200. - Betheena Kae Unite