NEW YORK (AP)– Sinuspinde ng NBA si Kevin Garnett ng isang laro at pinagmulta naman si Dwight Howard ng $15,000 dahil sa kanilang nangyaring kaguluhan kamakalawa kung saan ay nagwagi ang Houston kontra sa Brooklyn.

Sinabi ng liga kahapon na si Garnett ang nag-umpisa ng komprontasyon at pagkatapos ay binigyan ng headbutt si Howard. Idinagdag ng liga sa statement nito na itinulak naman ni Howard si Garnett sa may leeg nito, at sumang-ayon sa mga referee na hindi nagpakawala ng suntok ang sentro ng Rockets.

Ang away ay nagsimula may 7:53 natitira sa first quarter matapos ma-foul ni Garnett si Howard. Nagtulakan ang dalawa bago ibinato ni Garnett ang bola sa likod ni Howard. Nang sila ay magharap, iniuntog ni Garnett ang ulo malapit sa bibig ni Howard at gumanti si Howard sa pamamagitan ng paghampas sa leeg ni Garnett.

Hindi makapaglalaro si Garnett sa laro ng Nets laban Memphis ngayong araw.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20