SADYA palang hindi binigyan ng serye ang tisay na aktres dahil kailangan niyang magpahinga para ma-miss ng televiewers.

Hindi kasi rater ang mga serye ng tisay na aktres kahit mahusay naman siyang umarte at maganda pa sa screen.

Hindi nga rin daw mawari ng management ng network na kinabibilangan kung ano ang ‘mali’ sa tisay na aktres kung bakit hindi siya kinakagat ng masa.

“Siguro wala siyang mass appeal kasi nga mestiza?” obserbasyon ng nakatsikahan naming TV executive. “Pero kapag dinala mo sa provincial tour, kilala naman siya at marami namang sumisigaw sa pangalan niya. Okay naman siyang umarte, gustung-gusto nga siyang panoorin ng mga lalaki kasi iba raw ang dating.”

Eleksyon

Diwata, nabudol nga ba ng sinalihang party-list?

Hindi kasi consistent o convincing ang ipinapakitang ugali ni Tisay sa mga taong nakakasama niya lalo na kapag may show, hindi naman porke’t kilala at isinisigaw ang pangalan niya ay okay na.

Nakita na kasi namin ang ugali ni Tisay habang walang nakatutok na TV camera at walang fans. Pasimpleng maldita ang hitad kung utusan ang kanyang alalay para ikuha siya ng gusto niyang ipakuha. “Yaya pengeng tubig!” (tonong panigaw). Puwede naman sigurong sabihin iyon sa maayos na paraan, di ba, Bossing DMB?

(Parang kilala ko na kung sino itong blind item mo, Reggee. –DMB)

Hindi alam ng tisay na aktres na naroon kami noong una kaya bigay-todo ang paghirit niya sa kanyang PA, pero nang makita kami ay biglang naging maayos na ang pakikipag-usap niya sa kanyang ‘angel’.

Tiyak na ganito rin siya sa production staff na nakakatrabaho niya sa mga serye niya kaya hindi rin siya type ng ilang natarayan na niya.

“Depende kung kanino takot,” sundot naman ng kausap naming TV executive.

As of now ay nasa planning stage naman daw na bigyan ng serye ang tisay na aktres, ‘yun nga lang, hindi pa alam kung kailan at kung sino ang leading man niya na magdadala sa kanya para mag-rate ang project.

Ang aga kasing nalunod ni Tisay sa isang basong tubig.