MAGSINGAL, Ilocos Sur – Isang 47-anyos na lalaki ang namatay at isa pa ang nasugatan nang pagbabarilin sila ng mga hindi nakilalang suspek habang sila ay nag-iinuman sa Barangay Patong, Magsingal, Ilocos Sur, nitong Linggo ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Cornelio Rosario, ng Bgy. Patong sa Magsingal, habang nasugatan naman si Joly Ceria.

Ayon sa imbestigasyon, sa ulo nasapol ng bala si Rosario. Sa kaliwang balikat naman tinamaan si Ceria na agad na naisugod sa ospital. (Freddie G. Lazaro)
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20