CANDON CITY, Ilocos Sur – Kumpirmadong nasawi ang isang Arabo habang nakaligtas naman sa pagkalunod ang dalawa niyang kasama sa Barangay Urbiztondo, San Juan, La Union noong Bagong Taon.

Kinilala kahapon ni Senior Insp. Regelio Miedes, hepe ng San Juan Police, ang nasawi na si Amgad Faez Abdullah Qasem, 16, taga-Riyadh, Saudi Arabia, pero pansamantalang nakatira sa Number 45 D’ Apartment 9, Brookside, Baguio City.

Sinabi ni Miedes na nagkayayaang lumangoy si Qasem at dalawang kasama nito nang tangayin sila ng malakas na agos ng tubig.

Inilagak ang bangkay ng biktima sa Real Funeral Homes sa San Fernando City, La Union habang nakikipag-ugnayan ang awtoridad sa Saudi Embassy sa Maynila para sa pagpapauwi sa labi ng binatilyo. - Freddie G. Lazaro
Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara