Alonzo-Muhlach-copy

SA ABS-CBN pala unang gagawa ng teleserye ang anak ni Niño Muhlach na si Alonzo Muhlach at hindi sa GMA-7.

Akala ng lahat ay sa GMA nakakontrata si Alonzo dahil nga kasama siya sa My Big Bossing ni Vic Sotto at bilang partner naman ni Ryzza Mae Dizon, pero hindi pala.

Makakasama ang makulit na anak ni Niño sa upcoming seryeng Inday Bote nina Alex Gonzaga, Kean Cipriano at Matteo Guidicelli, handog ng Dreamscape Entertainment.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gagampanan niya ang isang duwende na magiging kaibigan ni Alex bilang si Inday Bote at tiyak na magiging riot ito dahil parehong witty ang dalawa.

Sobrang proud ni Niño sa anak dahil nakikita niya ang kanyang sarili rito noong magkasing-edad sila, “Pero mas magaling ang anak ko sa akin, mabilis mag-isip,” say ng child wonder noong ‘70s.

Hindi ini-expect ni Niño na mag-aartista ang anak dahil kung talagang plinano nilang mag-asawa na ipasok sa showbiz si Alonzo, e, ‘di sana raw Tagalog ang itinuro nilang lengguwahe nito.

Oo nga naman, English speaking ang bagets.

Ang hindi lang malinaw sa amin ay kung exclusive contract si Alonzo sa ABS-CBN dahil ‘pag nagkataon, hindi na makakasama ni Ryzza Mae si Alonzo sa mga susunod nilang pelikula ni Bossing Vic.