NOONG Martes, isang hacker o hackers ang nakialam sa Instagram account ng reality star na si Nicole “Snooki” Polizzi. Ginamit ng dating Jersey Shore cast member ang kanyang Twitter account upang ipaalam sa kanyang 4.6 million Instagram followers ang nangyayari dakong alas-3 ng hapon, kahit na kapansin-pansin na mayroong problema at kakaiba sa account niya. Sa halip na makita ang karaniwang mga litrato na ibinabahagi sa publiko katulad ng pag-eehersisyo at ang buhay may-asawa sa piling ni Jionni LaValle, ay mga Arabic na letra at isang tao na may suot-suot ang scarf sa ulo. Nabura rin ang mga post ni Snooki na aabot sa 2,700.

Ibinahagi ng Snooki & JWoww star ang video gamit ang Facebook habang ang kanyang account ay pinakikialaman ng ibang tao, sinigurong ipaalam sa kanyang mga tagahanga na may mga pekeng account na kanyang pangalan ang ginagamit.

Sa isang banda, nagbigay ng mensahe ang tao o mga taong responsable at may kinalaman sa pangyayari at sinabing: “We are Arabic hackers, but that doesn’t mean all of the Arabic people are bad, please respect me respect my people or you’re going to be next.!”

Karaniwang ng mag-post si Snooki sa kanyang Instagram ng dalawa hanggang limang larawan sa isang araw, na ang ibig sabihin ay ginagamit niya ito katulad ni Kim Kardashian. - Yahoo News/Celebrity
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20