ISANG manigong Bagong Taon sa inyong lahat.

Ang pangalang January ay halaw sa Roman god na may dalawang mukha na si Janus, na ng mukha na nakaharap sa likod ay kumakatawan sa nakalipas, habang ang nasa harap naman sa mga darating na oportunidad.

Noon, may mga dahilan ang mga kababayan na ipagmalaki ang mga parangal ng United Nations Convention on Climate Change (UNFCCC) sa Green Climate Fund (GCF) leadership sa ilalim ni Albay Gov. Joey Salceda dahil sa pagkakakumpleto ng napakaraming operationalization requirement, at sa pangangalap ng inisyal na $10.2 billion sa unang taon upang pondohan ang programa nito. Si Salceda ang co-chairman ng GCF Board na kumakatawan sa Southeast Asia at sa umuunlad na mga bansa. Ang kanyang German counterpart ang kumakatawan sa mauunlad na bansa. Nagtapos ang kanilang termino noong Oktubre 2014.

Pinarangalan ng UNFCCC Conference of the Parties GCF Board performance noong Disyembre 2014 sa pagdaraos nito sa Lima, Peru. Ang papuri ay bunsod ng GCF 2013-2014 report. Kinilala nito na ang GCF ngayon ay armado ng mechanics at financial requirements para sa inisyal na operationalization at mobilization.Nang magsimula ang GCF Board noong 2013, na-accomplish nito ang dalawang pangunahing milyahe sa inisyal na taon – ang pagkakakumpleto ng walong complex prerequisites para sa operationalization at ang nakalap na US$10.2 bilyon para sa mobilization ng mga programa nito.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sa inisyal na taon nito, tinutukan ng GCF ang mga estratehiya upang puwersahin ang mauunlad na bansa na nakaaambag sa climate change dulot ng malaking carbon emissions na tuparin ang kanilang financial commitments. Ang Pilipinas ay kabilang sa priority beneficiaries ng GCF assitnace sapagkat nakahanay ang ating bansa sa “most vulnerable to climate change impacts”. Walang dudang ang engkuwentro natin noon sa Yolanda, Ruby, at itong si Seniang ang dahilan niyon. Inaasahan natin na magpupulong ang mga world leader sa Paris, France kalaunan upang magkaroon ng kasunduan kung paano masasagip ang ating planeta.