“It is unconscionable in the modern world to have children without access to light and electricity.”

Ito ang binigyang-diin ni Education Secretary Bro. Armin A. Luistro, FSC, nang pirmahan ang kasunduan sa Thrive Solar Energy Philippines at Global Peace Foundation para pailawan ang mga paaralan sa mga liblib at wala pang kuryente na lugar.

Dahil dito, ayon pa kay Luistro, ay inaasahang aangat ang edukasyon ng mga bata dahil magagawa na sa gabi ng mga estudyante ang kanilang mga aralin, gayundin ay maaari na ring magkaroon ng mga computer sa mga nasabing paaralan.

HS Romualdez, kumbinsidong matagumpay ang 19th Congress: 'We are well on track'