ONE, TWO, FOUR, FIVE Huwag sanang pairalin ang katigasan ng ulo ng mga magulang sa pagpasok ng Batong Taon. Oo nga at nakatutuwang pagmasdan ang mga bata na masayang-masaya kapag nakakikita ng makikislap na kuwitis at nakaririnig ng malalakas na putok dulot ng mga firecraker; ngunit paano kung nakalingat at sila mismo ang maputukan?

Kaya nga hinihimok ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na matyagan ang kanilang mga anak upang huwag nang mangahas na magpaputok sa pagpasok ng Bagong Taon nang maiwasan ang aksidente. Kailangang ipaliwanag ng mga magulang sa mga anak na paslit ang mga maaaring mangyari kung sakaling maputukan sila ng malalakas na firecraker. At kung sakali namang makita nilang may hawak na itong paputok, may sindi man o wala, agad na kunin ang naturang paputok at i-flush sa kubeta. Ang pinsala sa katawan dulot ng paputok ay permanente. Maaaring mabulag dahil sa pulbura, at maaari ring maputulan ng daliri dahil sa lakas ng putok. At kung mabiktima ng ang paputok si Neneng at si Totoy, hindi na sila makapagbibilang ng sampu sa daliri dahil kulang na. Paalala rin ng DOH na himukin na lang ang mga bata na gumamit ng ligtas na merry-making instruments tulad ng mga trumpeta o magpatugtog na lamang ng malalakas na musika sa kalye at simulan na ang sayawang bayan!

***

KABATAAN VS CLIMATE CHANG E Mulat na ang kabataan sa Iba, Zambales sa global warming kung kaya hindi na nagdalawang isip ang mga ito nang himukin sila ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na makilahok sa krusada laban sa paghamon ng timitinding lagay ng panahon sa buong daigdig. Sa isang pagtitipon ng mahigit 60 campus journalist at student organization presidents ng Ramon Magsaysay Technological University (RMTU), naging malinaw na kailangan nang kumilos para sa pagbabago na magsisimula sa ugali ng bawat isa. Kailangang makontrol ang pagmimina na nindi na maaari kung saan-saan lang dahil may sinusunod na panuntuhan para rito. Dahil kasi sa walang habas na pagmimina, unti-unti nang sinasaklaw ng dagat ang pampang dahil lumalalim na ito. Kailangan na ring mapaigting ang pagtatanim ng mga puno sa kagubatan na atas ng National Greening Program na malaki ang maitutulong ng kabataan sa larangang ito. Malaki nga ang pag-asa ng proyektong ito dahil sa kabataang maalab ang apoy ng pagtulong para sa kalikasan.
National

3 weather systems, patuloy na nakaaapekto sa PH – PAGASA