LOUISVILLE, Ky. (AP) – Isang tagapagsalita para sa maalamat na si Muhammad Ali ang nagsabi na ang kundisyon ng dating heavyweight champion ay “vastly improved” mula nang ipasok ito sa ospital dahil sa pneumonia noong weekend.

Sinabi kahapon ng spokesman na si Bob Gunnell na umaasa ang mga doktor ni Ali na madi-discharge na ito anumang araw mula sa ospital na pinagdalhan sa kanya noong Sabado.

Hindi na sinabi ni Gunnell kung nasaang ospital ang 72-anyos na si Ali. Sinabi niyang maagang na-diagnose ang pneumonia ni Ali.

Ayon sa pamilya ni Ali, natutuwa sila sa mga dasal at well wishes para sa three-time heavyweight champion. Dagdag ni Gunnell, wala nang iba pang detalye na ilalabas dahil hiniling ng pamilya ni Ali ang privacy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ilang taon nang nakikipaglaban si Ali sa Parkinson’s disease.

Si Ali at ang kanyang asawa si Lonnie ay may tirahan sa Arizona, Michigan sa Louisville.