Laro ngayon (Mall of Asia Arena):

7pm -- San Miguel Beer vs. Talk `N Text

Makahakbang palapit tungo sa inaasam na pagpasok ng finals ang tatangkain ng San Miguel Beer sa kanilang muling pagtutuos ng Talk`N Text sa Game Three ng kanilang best-of-seven semifinal series ngayong gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tatangkain ng Beermen na makopo ang ikatlong sunod na panalo kontra Tropang Texters ngayong ika-7 ng gabi.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakakuha ang Beermen ng 2-0 bentahe sa serye matapos muling padapain ang Texters noong nakaraang Linggo sa iskor na 87-80.

Ipinakita ng Beermen ang kanilang determinasyon na makarating ng finals, partikular ang reigning MVP at leading Best Player of the Conference candidate na si Junemar Fajardo.

Kasunod ng kanilang muling pagkuha kay Alex Cabagnot na tumapos na may 21 puntos, nagtala si Fajardo ng 15 puntos at 12 rebounds bukod pa sa 3 assists para pangunahan ang kanilang koponan sa pagkopo ng 2-0 bentahe sa serye.

``Gusto kong magchampion, gusto naming magchampion. Kailangan mag-stick kami dun sa goal na ‘yun,`` pahayag ni Fajardo.

``Yung individual award ‘di ko iniisip yun. Mas mahalaga ‘yung mag champion kami para lahat masaya,`` dagdag pa ni Fajardo. ``Championship muna.``

Sa panig naman ng Texters, sa kabila ng kanilang pagkakaiwan sa serye, kumpiyansa pa rin ang mga ito na makakaya pa nilang makahabol.

Alam naman namin it`s difficult, but anything still possible. It`s a race top four series, so we still have a chance,`` pahayag ni TNT veteran guard Jimmy Alapag.

Naniniwala si Alapag na makakatulong ng malaki ang kanilang maalawak na karanasan sa mga ganitong playoffs upang makahabol sila sa Beeremn.