LOUISVILLE, Kentucky (AP) — Naospital ang boxing great na si Muhammad Ali dahil sa mild case ng pneumonia, sinabi ng kanyang tagapagsalita noong Sabado ng gabi.

Ang three-time world heavyweight champion, mayroong Parkinson’s disease, ay nilulunasan ng grupo ng kanyang mga doktor at maayos na ang kalagayan, sabi ng kanyang tagapagsalita na si Bob Gunnell.

Tumanggi si Gunnell na sabihin kung saang ospital ang 72-anyos na si Ali. Wala nang inilabas na detalye at humiling ng privacy ang kanyang pamilya.
National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20