NAKAKATUWA ang KathNiel supporters dahil maski na hindi kasama ni Kathryn Bernardo si Daniel Padilla sa Wansapanataym Presents Puppy ko si Papi ay pinapanood pa rin nila ito.

Bukod dito ay monitored din ng KathNiel fans ang lahat ng write-ups kay Kathryn at isa kami sa sobrang pinasasalamatan nila dahil pawang magaganda raw ang sinusulat namin tungkol sa mga idolo nila.

Samantala, mapapanood ngayong hapon na mabubulabog na ang konsensiya ni Iris (Kathryn) sa mga kasalanang nagawa niya sa amang si Douglas (Dominic Ochoa) lalo na’t nanganganib na ito para maging permanenteng aso.

Kasama sa Wansapanataym Presents Puppy Ko si Papi sina Khalil Ramos, Marlann Flores, Chienna Filomena, Apollo Abraham, John Steven de Guzman, at John Lapus, mula sa panulat ni Yam Tanangco Domingo at sa direksiyon ni Don Cuaresma.
Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara