Dala ng maraming gastusin ngayong nalalapit na ang Pasko, nagbigti ang isang mister sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Nakabitin pa ang katawan ni Joemar Moral, 49, nang datnan ng kanyang anak na si Christian sa loob ng kanilang bahay sa No. 62 R. Jacinto Street, Barangay Canumay ng naturang lungsod.

Gumamit ng lubid si Moral na siyang ipinulupot sa leeg nito saka itinali sa bigang kahoy ng kanilang bahay.

Kuwento ni Christian, dakong 5:00 ng hapon umuwi siya ng bahay galing sa trabaho.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Binuksan nito ang main door ng bahay pero naka-lock ito pati na ang isa pang pinto ay nakakandado rin sa loob.

Napilitan si Christian na sirain ang pintuan hanggang sa tumambad sa kanya ang bangkay ng ama na nakabigti.

Ayon pa sa nakababatang Moral, madalas umanong naging malulungkutin ang ama dahil wala itong trabaho lalo pa’t nalalapit na ang Pasko.