Emma Watson

SASALUBUNGIN ni Emma Watson ang bagong taon na walang boyfriend.

Hiwalay na ang aktres at ang nobyo niya na si Matthew Janney, 22, estudyante at rugby player sa Oxford University makalipas ang isang taong relasyon. Kinumpirmahin ng tagapagsalita ng aktres sa Daily Mail ang hiwalayan na tinawag nitong “amicable.”

Napabalitaa na ang naging dahilan ng break-up ay ang mahigpit na iskedyul ng trabaho ni Emma Watson. Kasalukuyang abala ang aktres sa kanyang pelikulang Colonia Dignidad, isang political drama kasama si Daniel Brühl sa Buenos Aires. Sumunod naman ang Queen of Tearling at ayon pa sa IMDb, pinaghahandaan din niya ang La La Land.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Unang nakitang magkasama at naglalambingan sina Watson at Janney sa Caribbean noong Enero.

Nitong nakaraang Setyembre, namataan ang aktres na may inilalabas na mga kahon na pinaghinalaan ng mga tao na siya ay aalis na, bagamat hindi naman nagsama sa iisang bubong ang magkasintahan.

Kaugnay nito, nais ng aktres na ang susunod niyang magiging nobyo ay hindi na artista.

“I don’t date people who are famous, and I don’t think it’s fair that, all of a sudden, intimate details of their personal life are public as a direct result of me,” sani ni Emma sa Elle noong Marso. “I wish I could protect them.” (Yahoo News/Celebrity)