Isang taxi driver ang natagpuang patay matapos pagsasaksakin ng hindi pa kilalang suspek sa San Isidro Village, Barangay Ligtong II sa bayan ng Rosario, Cavite noong Sabado.

Nakatarak pa rin ang patalim sa katawan ng biktima na si Michael Espartero Ogatez, 39, nang matagpuan ang labi nito sa driver’s seat ng Toyota Vios (UWK-149) ng JERM Transport Service sa gitna ng kalsada.

Hindi pa rin batid ng mga imbestigador ang motibo sa pamamaslang dahil hindi tinangay ang kinita ng biktima.

Nakatira sa 31 Calia St., Branch 8, Bahay Toro, Quezon City, nakilala si Ogatez ng pulisya sa pamamagitan ng professional driver’s license nito.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Ipinaalam sa pulisya ang nakahandusay na bangkay ni Ogatez ni Chairman Leo Ibaez ng Barangay Ligtong II sa Rosario dakong 6:25 noong Sabado ng umaga. (Anthony Giron)