DUBAI, United Arab Emirates (AP)– Tinapos ni Novak Djokovic ang laban sa isang magarbong pamamaraan nang sibakin si Gael Monfils, 6-0, ngunit hindi ito naging sapat upang mapanalunan ng UAE Royals ang inaugural exhibition event kahapon.

Ang Indian Aces, na kinabibilangan nina Roger Federer, Pete Sampras at Ana Ivanovic na naglaro sa iba’t ibang yugto ng four-leg mixed tournament, ang nag-angat ng tropeo, isang lifesize tennis racket na may bola at pinapalibutan ng diyamante at gemstones.

Pumangalawa ang UAE Royals, pumangatlo ang Manila Mavericks, at panghuli ang Singapore Slammers.

Ang bawat tie ay kinatatampukan ng limang one-setter, at ang bilang ng mga larong napapanalunan ang pinagbabasehan ng mga winner sa halip na ang match results.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho