PURA, Tarlac City— Dahil sa papalapit na ang Pasko, nagkalat nanaman ang mga magnanakaw sa paligid. Halimbawa na nito ay ang pagsalakay ng mga kawatan sa isang bahay sa Barangay Buenavista, Pura sa Tarlac noong Miyerkules ng madaling araw.

Ayon kay SPO1 Jerrymia Soley, may hawak ng kaso, ang mga biktima ay ang mag-asawang Reynaldo, 59 at Araceli Capinpin, 49, ng nasabing barangay.

Sila ay natangayan ng P50,000 at tatlong cell phone na aabot sa P5,000 ang halaga.

Payapang natutulog noon sa magkabilang kuwarto ang mag-asawang Capinpin at anak nilang si Reycel, 18, nang wasakin ng mga kawatan ang plywood na panakip sa bintana ng kanilang bahay hanggang makapasok ang mga ito sa loob.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Napag-alaman na direktang tumuloy sa kuwarto ng mag-asawang Capinpin ang mga kawatan kung saan ang pera na nakalagay sa ilalim ng unan ng ginang ay natangay at ang tatlong cell phone na nasa lamesa.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari.