ISULAN, Sultan Kudarat – Napag-alamang nabuwag na ang miyembro ng grupo na kung tawagin ay “Junjun carnapping group”.

Ayon kay SP04 Elizalde Bala, namuno sa pagkakahuli kina Jerry Evangelista, 30 at Rochelle Lumagan, 20, si Evangelista ay nakapag piyansa sa kasong carnapping sa Lungsod ng Koronadal habang ang isang pang kasamahan niya ay natagpuang patay sa isang plantasyon ng palm oil sa Barangay Kayupo, Datu Paglat sa Maguindanao

Dagdag pa ni Evangelista aabot sa 14 na motorsiklo ang natangay ni Evangelista habang ang ilan pang kasamahan nito ay nasa Pikit, Cotabato at Parang sa Maguindanao.

Umamin naman si Lumagan na anim na buwan na silang nagsasama ni Evangelista at sila ay gumagamit ng illegal na droga.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

Kasalukuyang nakakulong ang dalawa sa BJMP sa bayan ng Isulan sa Sultan Kudarat. - Leo P. Diaz